Entry: post daw Saturday, June 26, 2004



eh di...

post.

bwahahahaha.

meron na 'kong sinimulang isulat na ipo-post dito.  nasa word.  oo, hanggang ngayon nasa word lang sya.

i suddenly lost the appetite to "blog."  ewan.  parang biglang... "what's da point?"  i don't know.  uh-oh, quarter-life crisis?  siguro.  pero sana hinde.  di hamak naman na mas madaling mag-type kaysa magsulat-kamay diba?  pero bakit ayoko na mag-"blog"?

hindi ko alam eh.

sana kaya ko rin ipaliwanag.

siguro bukas pag gising ko sipagin na ulit akong magpost dito.  isulat lahat ng mga nangyayari sa'kin mula sa lahat ng mga pinaggagawa ko nung mga nakaraang linggo, sa pagkabitin ko nung fete, sa batang nagpakyut sa 'kin habang nakapila sa common restroom ng seattle's best sa eastwood, sa nakakasakit-ulong mga batang "groupies" ni ma'am cynthia, sa bago kong hinahangaan na si robert capa, sa mahal kong si ben wallace, sa pagiging beinte kuwatro, sa summer solstice na pumapatak sa bersdey ko, sa napakagulo kong desk, sa officemate kong napakakulit, sa dream car ko na nakaparada sa may animal house sa jupiter, sa daddy kong guwapo at mahal ko na nasa puerto princesa ngayon (na ayaw akong isama kahit na naka-leave naman ako).

(ang dami ko sigurong magiging hits dahil sa entry na 'to.)

sa dami ng puwede kong isulat dito, siguro mapupurga kayo sa'kin.

kaya hindi na lang.


but before i go, i'd like to leave you with this:  (i just couldn't resist.)

 

have a teenagedsuperhyper new cynthia alexander fan + annoy/amuse the goddess so she gets teenagedsuperhyper newbie to sing "comfort in your strangeness" up front + teenagedsuperhyper newbie belts "comfort in your strangeness" in all your out-of-tune glory +  teenagedsuperhyper newbie jumbles up the words a bit the look on kevin roy's face = priceless.

too bad i wasn't able to take the part when kevin roy was super slouched on his chair, squirming, hands covering both ears.  parang gusto nya magtago sa ilalim ng mesa.  that would've been more priceless.  sayang, sayang, sayang.

sana 'wag akong singilin ni kevin roy o ng manager nila ng talent fee dahil ginamit ko picture nya.  magagalit kaya s'ya?  hindi naman sya ang pinagtatawanan natin dito eh.  =)

o s'ya, paalam na sa inyo.  muna.

 

   2 comments

tere
July 19, 2004   08:08 PM PDT
 
dindin, ako din nawawalan ng ganang mag-post! hmpf. bakit kaya? kuno crisis ata ito. ang hirap iire. hehehe. si kevin roy nagpagupit na? siya ba yan? ang cute *giggles like a ditz* hehe :D hanggang sa muli :D
ex_groupie
June 26, 2004   11:05 PM PDT
 
haha. i was there! woo-hoo. pero nag-yosi na ko ng naging videoke na yung bistro, nagyosi din si louie talan. hehe. pero sinilip nya yung kumakanta, maybe to amuse himself. oh well. tapos tinanong kami ni lex ni louie when we asked him to sign your gift: "kayo ba yung maingay na babae kanina?" hmp, accusatory. mukha ba kaming maingay ha? ha? kung di ka lang ghwapings. gee.

nga pala, may gig ang sago sa 70s, launching ng "astro" video. punta kayo!!!! hindi ako pr ha. ex_groupie lang.

tama na. mahaba na. para na kong nag-blog. gee.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments