Entry: ed-die giiiilllll!!! Tuesday, June 08, 2004



i feel bad about laughing at eddie gil while watching bubble gang friday night with my dad.

i mean, sure, the guy's crazy and bizarre and enormously funny pero tao pa rin 'yun 'no.  kawawa naman, pinagtatawanan natin.

"ay, ayoko na manood.  kawawa naman si eddie gil."

and it made my dad laugh even more.

putek.

nakaka-guilty naman talaga eh.  isipin mo tatay mo si eddie gil.  gusto mo bang pinagtatawanan ng buong pilipinas tatay mo?  gusto mo bang nakikita tatay mo sa tv na tabingi wig nya tapos nakakatawa itsura nya?  gusto mo bang nagpapa-uto tatay mo kila ogie alcasid at michael v.?

ayoko nga.

saka nakakaawa naman talaga itsura ni eddie gil eh.  parang nakita ko sa mga mata nya na iniisip nya na "wow, sikat ako.  ang galing.  natutuwa sila sa'kin.  sige, magtatanga-tangahan pa 'ko..."  di ba nakakaawa?

tsk, tsk, tsk...

pwede bang maglakad sa drive-thru?  eh magbike?  mag-skateboard?  magkotse-kotsehan?

now, you see why i contain myself?

   1 comments

ex_groupie
June 11, 2004   02:40 PM PDT
 
haha, bout that drive through. sobrang haba ng line non sa counter coz its holy week tapos sa drive through, wala. inisip nga naming maglakad dun pero di kinaya ng powers namin. hehe.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments